About me

Feeds RSS
Feeds RSS

Sunday, June 13, 2010

Pagkatapos ng Ligaya ay uber bad vibes!





                Ngayon galak na galak ka mamaya iiyak ka! Walang scientific explanation pero madalas ganun ang nangyayare saken at sa iba den siguro. Paglalabas ako kasama ng mga repapips at magsasaya, paguwe ng bahai KABOOM! si madam mainet na naman ang ulo at bubulagain ka ng mga banat niya. Kagaya nalang nung biyernes masaya akong nakipagkwentuhan sa isang kaibigan,chikahan, joke time at laughtrip, at kung anu anu pang eklabu, enjoy akong nagchill magisa, nanuod ng movie at..fb ofcors at maya maya ang cherry on top mehn ang kaabang abang na momentum na pagbalek ni ina sa bahay. Wala pang 5mins. Jaran! oo na sige nakakayamot nga naman na madaratnan mo ee isang semi-nanlilimahid na banyo pero may konting effort naman ako dun ahh. nilinis ko naman yung lababo kahit pano, ngunit malay nga ba naman nia, syempre ang big picture ang makikita niya, general condition ng banyo. Pero sapat na ba yun para sabihan ka ng malulupet na salita? Dahil ba magulang sya,may K na? Haiii...at idagdag mo pa na lumayas na daw ako. Ee kung sapat lang yung kakayahan ko gogora ako para sa ikakaligaya niya. Haha. Hinanakit ni ateng. Charot! Pagod sa byahe, bakit san ka ba galing diba sa outing? Nagsaya ka naman kasama ng mga padrino at kaalyansa mo diba? susmiyo...

               Hindi ko tuloy mapigel yung sarili ko magemowt nanaman na  bulok na bulok at tangang tanga nako dito sa bahay. Di nako makausad dahil sila pa den ang nagdedesisyon para saken. Ang dame pang nalalaman na paganahin ang pagigigng propesyonal, na anu? Tambay? Manunumbat konteng pagkakamali, na kesyo wala pa akong naiaambag dito sa bahay, na wala pa akong naiinttregang pera saknya. Demm! Ganito pala ang buhay unemployed, makakarinig ka pala talaga ng mga bagay bagay hanggat nakasandal ka pa den sa kanila.sa tuwing aales nalang ako at malalaman niya na nagsama ako ng mga kaibigan sasabihan na di tlaga mkaales ng di kasama barkada/padrino/alyansa. Madalas kailangan pang isama si luis para makagala. ee baket siya, ni minsan naisama ba niya si luis kapag gumagala siya ng mga amiga niya, siya na nga tong magulang, may sasakyan at uber budget di pa maisama samantalang ako hagard lang palage..hahah..jox! oh well naglalabas lang ng sama ng loob te!

               Susme! Matutulog nalang talaga may pahabol pa! Isagad mo na hanggang sukdulan! Kinabukasan ang pinakamalupet na rebelasyon! sukdulan na nga..ke aga aga matutulog pa sana ako ng bigla nagsumbong si luis ng mga happy happy daw na pinaggagawa namen ng mga barkada ko sa bahay. Nalaman na ni madam ang lahat kaya naman balagadoom boy! dedo! hahah...ang saya saya talaga ng drama dito sa bahay. eksena kung eksena..haiii...uu kasalanan ko kaya karma lang..kapalet ng happy happy ee gulpi de gulat! hahah

:3 Kat_xo

No comments:

Post a Comment